01

Introduction

Ang PROJECT RIZA — Resource and Interactive Zone for Araling Panlipunan (“PROJECT RIZA,” “Platform,” “kami,” o “amin”) ay isang web-based Learning Management System na naglalayong magbigay ng mas accessible, engaging, at independent learning experience para sa mga mag-aaral.

Pinahahalagahan ng PROJECT RIZA ang privacy at seguridad ng personal na impormasyon ng aming mga learners, teachers, website visitors, at iba pang users.

Ang Privacy Policy na ito ay nagpapaliwanag kung anong impormasyon ang maaaring kolektahin ng PROJECT RIZA, kung paano ito ginagamit, pinoprotektahan, itinatago, at kung ano ang mga karapatan ng users kaugnay ng kanilang personal data.

Ang pagproseso ng personal data sa PROJECT RIZA ay isinasagawa alinsunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon sa Pilipinas, kabilang ang Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012, ang Implementing Rules and Regulations nito, at iba pang naaangkop na issuances ng National Privacy Commission.

02

Scope of this Privacy Policy

Saklaw ng Privacy Policy na ito ang personal data na nakokolekta o napoproseso sa pamamagitan ng:

  • PROJECT RIZA website;
  • learner registration at user accounts;
  • lessons at learning materials;
  • quizzes, assessments, at learning activities;
  • learner progress at activity records;
  • website forms at communications;
  • administrative at teacher functions ng Learning Management System; at
  • iba pang features o services na maaaring idagdag sa PROJECT RIZA.

Maaaring may third-party websites, services, plugins, o external links na ginagamit o naka-integrate sa Platform. Ang mga ito ay maaaring may sarili nilang privacy policies at data-processing practices.

03

Personal Data We May Collect

Depende sa mga features na ginagamit sa PROJECT RIZA, maaaring makolekta at maproseso ang sumusunod na impormasyon:

A.

Account and Registration Information

Kapag gumagawa ng learner o user account, maaaring kolektahin ang:

  • buong pangalan;
  • username;
  • email address;
  • grade level;
  • section;
  • school information, kung kinakailangan;
  • account credentials; at
  • iba pang impormasyong kinakailangan para sa registration at account management.

 

Hindi hinihikayat ang users na magsumite ng personal information na hindi kinakailangan para sa paggamit ng Platform.

B.

Learning and Academic Activity

Sa paggamit ng PROJECT RIZA, maaaring awtomatikong maitala ang ilang impormasyon tungkol sa learning activities, kabilang ang:

  • lessons na binuksan o natapos;
  • quiz attempts;
  • quiz scores at results;
  • answers o responses sa assessments;
  • learning progress;
  • activity completion;
  • petsa at oras ng activities; at
  • iba pang records na may kaugnayan sa paggamit ng learning materials.

Ang impormasyong ito ay ginagamit para suportahan ang teaching and learning process at, kung naaangkop, upang matulungan ang learner at teacher na makita ang learning progress.

C.

Technical and Usage Information

Kapag ginagamit ang website, maaaring awtomatikong makolekta ang ilang technical information tulad ng:

  • Internet Protocol (IP) address;
  • browser type;
  • device type;
  • operating system;
  • date at time ng access;
  • pages o lessons na binisita;
  • login activity;
  • system logs; at
  • iba pang impormasyon na kinakailangan para sa seguridad at maayos na paggana ng Platform.

D.

Communications

Kung makikipag-ugnayan ang isang user sa PROJECT RIZA administrator o teacher, maaaring maproseso ang impormasyong nasa mensahe, inquiry, feedback, o request upang makapagbigay ng naaangkop na response o assistance.

04

Why We Process Personal Data

Maaaring gamitin ang personal data para sa mga sumusunod na lehitimong layunin:

Providing Access to the Platform

Upang:

  • gumawa at pamahalaan ang user accounts;
  • ma-authenticate ang users;
  • mabigyan ang learners ng access sa lessons at learning materials;
  • ma-access at makumpleto ang quizzes at learning activities; at
  • mapanatili ang functionality ng Learning Management System.

Supporting Teaching and Learning

Upang:

  • maitala ang learner progress;
  • maitala at maipakita ang quiz results;
  • matukoy kung aling lessons o activities ang natapos;
  • matulungan ang teachers sa assessment ng learning progress; at
  • mapabuti ang delivery ng learning materials.

Platform Administration and Security

Upang:

  • mapanatiling secure ang user accounts;
  • matukoy at maiwasan ang unauthorized access;
  • mag-troubleshoot ng technical issues;
  • mapanatili ang reliability ng Platform; at
  • protektahan ang PROJECT RIZA at ang users laban sa misuse, fraud, o security incidents.

Communication

Upang makapagbigay ng:

  • account-related notices;
  • learning-related announcements;
  • responses sa inquiries;
  • technical support; at
  • iba pang mahahalagang communications na may kaugnayan sa paggamit ng Platform.

Compliance with Legal and Institutional Requirements

Maaaring maproseso ang personal data kapag kinakailangan upang sumunod sa applicable laws, regulations, lawful orders, school policies, o iba pang legal at institutional obligations.

05

Lawful Basis for Processing

Ang PROJECT RIZA ay magpoproseso lamang ng personal data kung may naaangkop at lehitimong batayan para rito.

Depende sa uri at layunin ng processing, maaaring kabilang dito ang:

  • consent ng data subject;
  • consent o authorization ng parent o legal guardian kung kinakailangan;
  • pagbibigay ng educational o platform services;
  • compliance sa legal obligations;
  • performance ng functions o responsibilities ng educational institution;
  • protection ng legitimate interests ng Platform o educational institution, kung naaangkop at hindi nangingibabaw ang fundamental rights ng learner; o
  • iba pang processing na pinapahintulutan sa ilalim ng Data Privacy Act at iba pang applicable laws.

 

Kung kinakailangan ang consent para sa isang partikular na processing activity, ito ay hihingin sa malinaw at naaangkop na paraan.

06

Privacy of Children and Minor Learners

Kinikilala ng PROJECT RIZA na marami sa mga gumagamit ng Platform ay maaaring mga batang mag-aaral o menor de edad.

Dahil dito, bibigyan ng espesyal na konsiderasyon ang privacy at protection ng personal data ng minor learners.

Hangga’t naaangkop, layunin ng PROJECT RIZA na:

  • mangolekta lamang ng impormasyong kinakailangan para sa educational purposes;
  • gumamit ng malinaw, simple, at age-appropriate na privacy information;
  • protektahan ang learner accounts at academic records laban sa unauthorized access;
  • iwasan ang unnecessary public disclosure ng personal information, quiz scores, grades, at learning records;
  • limitahan ang access sa learner information sa mga authorized persons lamang; at
  • kilalanin ang naaangkop na role ng parents o legal guardians sa pagprotekta at paggamit ng personal data ng minor learners.

Kung kinakailangan ng batas o ng isang partikular na processing activity ang consent o participation ng parent o legal guardian, ang naaangkop na consent o authorization ay dapat munang makuha.

Maaari ring magsumite ang parent o legal guardian ng privacy-related request para sa minor learner, subject sa verification ng kanilang identity at authority.

07

Quiz Scores, Progress, and Learning Records

Ang quiz results, learning progress, assessment records, at iba pang learner-specific information ay ituturing bilang confidential information at hindi dapat gawing publicly accessible nang walang naaangkop na dahilan o authorization.

Kung may feature ang Platform na nagpapakita ng quiz scores o progress, ang impormasyon ay dapat, hangga’t maaari, makita lamang ng:

  • mismong learner;
  • authorized teacher;
  • authorized school personnel;
  • parent o legal guardian, kung naaangkop; at
  • iba pang authorized persons kung may lehitimong dahilan at naaayon sa applicable policies at batas.

Hindi layunin ng PROJECT RIZA na gamitin ang individual learner scores para sa public ranking o public disclosure maliban kung may naaangkop na legal basis at safeguards.

08

Cookies and Similar Technologies

Maaaring gumamit ang PROJECT RIZA ng cookies at katulad na technologies upang mapanatiling maayos ang functionality at security ng website.

Maaaring gamitin ang cookies para sa:

  • pagpapanatili ng login session;
  • user authentication;
  • website security;
  • pag-save ng ilang user preferences;
  • performance monitoring; at
  • basic website analytics, kung naka-enable.

Ang ilang cookies ay maaaring kailangan upang gumana nang maayos ang Learning Management System.

Kung gumagamit ang PROJECT RIZA ng optional analytics, advertising, o iba pang non-essential tracking technologies sa hinaharap, ang karagdagang notice o consent mechanism ay maaaring ibigay kung kinakailangan.

09

Sharing and Disclosure of Personal Data

Hindi ibinebenta o ipinagpapalit ng PROJECT RIZA ang personal data ng learners para sa commercial marketing purposes.

Gayunpaman, maaaring magkaroon ng limitadong access sa personal data ang mga sumusunod kung kinakailangan:

Service Providers

Maaaring gumamit ang PROJECT RIZA ng third-party service providers para sa:

  • web hosting;
  • domain at server services;
  • Learning Management System functionality;
  • website plugins;
  • email services;
  • security services;
  • database management; at
  • iba pang technical infrastructure.

Kung ang mga service providers na ito ay nagpoproseso ng personal data, inaasahang gagamitin lamang nila ang impormasyon para sa naaangkop na purpose at alinsunod sa applicable data-protection requirements at contractual safeguards, kung kinakailangan.

Legal Requirements

Maaaring mag-disclose ng personal information kung kinakailangan ng batas, valid court order, lawful government request, o iba pang legal process.

10

Third-Party Services and External Links

Maaaring maglaman ang PROJECT RIZA ng links o integrations sa third-party websites, platforms, videos, educational resources, o online services.

Kapag pumunta ang user sa isang third-party website o service, maaaring ibang privacy policy na ang mamahala sa kanilang information.

Hindi kontrolado ng PROJECT RIZA ang privacy practices ng independent third-party websites. Hinihikayat ang users, parents, at guardians na basahin ang privacy policies ng mga external services bago magsumite ng personal information.

11

Third-Party Services and External Links

Nagsasagawa ang PROJECT RIZA ng reasonable organizational, physical, at technical measures upang maprotektahan ang personal data laban sa:

  • unauthorized access;
  • accidental loss;
  • unauthorized disclosure;
  • alteration;
  • destruction;
  • misuse; at
  • iba pang security risks.

Maaaring kabilang sa mga security practices ang access controls, account authentication, appropriate server security, software updates, backups, at iba pang technical safeguards depende sa infrastructure ng Platform.

Gayunpaman, walang website, database, o internet-based system na maaaring garantiyahan na ganap na ligtas laban sa lahat ng uri ng cyber threats.

Hinihikayat ang users na:

  • gumamit ng strong at unique password;
  • huwag ibahagi ang kanilang password;
  • mag-log out pagkatapos gumamit ng shared o public device; at
  • agad i-report ang anumang pinaghihinalaang unauthorized access sa kanilang account.

12

Data Retention

Ang personal data ay pananatilihin lamang hangga’t kinakailangan para sa:

  • declared educational purpose;
  • learner account administration;
  • legitimate school or project records;
  • security requirements;
  • applicable retention policies; at
  • legal or regulatory obligations.


Kapag hindi na kinakailangan ang personal data at wala nang legal o legitimate reason upang panatilihin ito, ang impormasyon ay maaaring secure na i-delete, i-destroy, o i-anonymize alinsunod sa applicable retention and disposal procedures.

Ang eksaktong retention period ay maaaring mag-iba depende sa uri ng record at applicable school o legal requirements.

13

Your Data Privacy Rights

Alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 at applicable regulations, ang isang data subject ay maaaring magkaroon ng mga sumusunod na karapatan:

Right to Be Informed

May karapatan kang malaman kung anong personal data ang kinokolekta at pinoproseso tungkol sa iyo, bakit ito kailangan, at kung paano ito ginagamit.

Right to Access

Maaari kang humiling ng access sa personal data na pinoproseso tungkol sa iyo, subject sa applicable laws at reasonable verification procedures.

Right to Object

Sa mga pagkakataong pinapahintulutan ng batas, maaari kang tumutol sa ilang uri ng processing ng iyong personal data.

Right to Rectification

Maaari kang humiling na maitama o ma-update ang inaccurate, incomplete, o outdated personal information tungkol sa iyo.

Right to Erasure or Blocking

Sa mga pagkakataong pinapahintulutan ng batas, maaari kang humiling na i-delete, alisin, i-block, o ihinto ang processing ng personal data.

Right to Data Portability

Kung naaangkop, maaari kang magkaroon ng karapatang makatanggap ng kopya ng personal data na electronically processed sa isang structured at commonly used format.

Right to File a Complaint

May karapatan kang magsumite ng complaint sa National Privacy Commission kung naniniwala kang nalabag ang iyong data privacy rights.

Right to Damages

Kung naaangkop sa ilalim ng batas, maaaring may karapatan ang data subject na humingi ng indemnification o damages dahil sa inaccurate, incomplete, outdated, false, unlawfully obtained, o unauthorized use ng personal data.

Ang exercise ng mga karapatang ito ay maaaring sumailalim sa applicable exceptions, legal requirements, at identity verification.

14

Requests from Parents or Legal Guardians

Kung ang learner ay menor de edad, maaaring makipag-ugnayan ang kanyang parent o legal guardian upang magsumite ng naaangkop na request tungkol sa learner’s personal data.

Bago magbigay ng access, correction, deletion, o iba pang action, maaaring kailanganing i-verify ng PROJECT RIZA o ng school ang:

  • identity ng humihiling;
  • relationship niya sa learner;
  • parental authority o legal guardianship; at
  • lawfulness at scope ng request.

Ginagawa ito upang maiwasan ang unauthorized disclosure ng personal data ng learner.

15

Personal Data Breach

Kung magkaroon ng security incident o personal data breach, magsasagawa ang PROJECT RIZA at/o ang responsible educational institution ng naaangkop na hakbang upang:

  • ma-contain ang incident;
  • matukoy ang nature at extent ng breach;
  • mabawasan ang posibleng epekto;
  • maprotektahan ang affected users; at
  • magsagawa ng notification sa affected individuals at/o National Privacy Commission kung kinakailangan sa ilalim ng applicable laws and regulations.

16

User Responsibilities

Bilang user ng PROJECT RIZA, inaasahan kang:

  • magbigay ng tama at updated na registration information;
  • protektahan ang iyong account credentials;
  • huwag gamitin ang account ng ibang learner;
  • huwag ibahagi ang personal information ng ibang users nang walang authorization;
  • huwag subukang magkaroon ng unauthorized access sa Platform o ibang accounts; at
  • gamitin ang PROJECT RIZA nang naaayon sa educational purposes at applicable school policies.

 

Dapat agad ipaalam sa administrator kung pinaghihinalaang na-compromise ang isang account.

17

Changes to This Privacy Policy

Maaaring baguhin o i-update ang Privacy Policy na ito paminsan-minsan upang maipakita ang:

  • pagbabago sa PROJECT RIZA;
  • bagong website o LMS features;
  • pagbabago sa paraan ng pagproseso ng personal data;
  • security improvements;
  • bagong school policies; o
  • pagbabago sa applicable laws at regulations.

Kapag may material changes, maaaring magbigay ng naaangkop na notice sa website o sa registered users.

Ang “Last Updated” date sa itaas ng Privacy Policy ang magsasaad kung kailan huling binago ang dokumento.

18

Contact Us

Kung mayroon kang tanong, concern, request, o complaint tungkol sa Privacy Policy na ito o sa paraan ng pagproseso ng personal data sa PROJECT RIZA, maaaring makipag-ugnayan sa:

PROJECT RIZA
Resource and Interactive Zone for Araling Panlipunan

Project Administrator / Data Privacy Contact:
Riza Gabaya Alia

School:
Ozamiz City School of Arts and Trades

Email:
riza.gabaya@deped.gov.ph

Address:
Maningcol, Ozamiz City, Misamis Occidental, Philippines

Para sa mga formal data-subject requests, maaaring hilingin ang sapat na impormasyon upang ma-verify ang identity ng humihiling at maprotektahan ang personal data laban sa unauthorized disclosure.

19

Acknowledgment

Sa paggamit ng PROJECT RIZA, kinikilala ng user na nabasa at naunawaan niya ang Privacy Policy na ito.

Ang paggamit ng Platform ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng consent sa lahat ng uri ng personal data processing. Kung kinakailangan ang consent bilang legal basis para sa isang partikular na processing activity, ang naaangkop na consent ay hihingin nang hiwalay at malinaw.

Para sa minor learners, ang involvement o authorization ng parent o legal guardian ay hihingin kung kinakailangan sa ilalim ng applicable law, school policy, o partikular na processing activity.